h1

Selebrasyon ng Bagong Taon sa Bansang Hapon

Enero 2, 2009

Manigong Bagong Taon sa inyong lahat! Gusto kong ipakita sa inyo ang countdown event sa Yokohama nitong nakaraan na bagong taon. Medyo bitin nga lang sa fireworks pero masaya naman kase pagkatapos ng countdown ay namasyal kami sa China town sa nasabing lugar, gayundin sa Asakusa na may pinakamalaking templo ng Buddhist sa Tokyo at pagkatapos ay hinintay namin ang pagsikat ng araw sa Sumida river kahit na sobrang lamig.

Yokohama Minato Mirai 21
Yokohama Minato Mirai 21

Ang ibig sabihin ng nakasulat sa karatula na ito ay "Ang lutong Tsino ay tinaguriang kampeon sa buong  mundo". Anong say niyo?Ang ibig sabihin ng nakasulat sa karatula na ito ay “Ang lutong Tsino ay tinaguriang kampeon sa buong  mundo”. Anong say niyo?

Ito ay sa Kannon Hall ng templo ng Sensoji sa Asakusa, kung saan ay ito ang pinakamalaking templo ng Buddhist sa Tokyo at maraming mga dayuhan ang dumadayo dito. Ito ay sa Kannon Hall ng templo ng Sensoji sa Asakusa, kung saan ay ito ang pinakamalaking templo ng Buddhist sa Tokyo at maraming mga dayuhan ang dumadayo dito.

OmikujiSa loob ng lalagyanan na ito ay mga sticks na may iba’t ibang numero nakasulat. Halimbawa, kapag numerong 18 ang nakuha mo, kukunin mo sa isang box na may parehong numero ang isang papel na may maganda o masamang kapalaran na nakasulat.

Ang nakuha kong numero ay 26.
Ang nakuha kong numero ay 26.

OmikujiIto ang aking 「御神籤 or おみくじ」 omikuji (good luck charm sa bansang Hapon). Magiging maganda raw ang aking kapalaran para sa taon na ito. Sana nga ay magkatotoo!

Unang pagsikat ng araw ng bagong taon sa Asakusa.Unang pagsikat ng araw ng bagong taon sa Sumida River sa Asakusa. Naging korte ng puso ang imahe ng araw. :)

h1

Job Fair sa Akiba

Disyembre 22, 2008

Nagsimula na ang aking unang hakbang sa paghahanap ng trabaho nuong nakaraang Linggo, ika-14 ng Disyembre, dahil pumunta ako sa International Job Fair na para sa mga estranghero dito sa bansang Hapon na ginanap sa Akihabara, Tokyo. Ito ay para sa mga job hunters na may kakayahan na makapagsalita ng 2 o mahigit na lengwahe tulad ng wikang Hapon at wikang Ingles.

seminarNasabing mahigit kumulang 3000 na job-hunters ang nagsipagdalo at 24 na kumpanya ang nakilahok sa nasabing event. Simula alas onse ng umaga hanggang alas sais ng gabi ginanap ito. Halos 3o minuto – 1 oras ang company research seminar ng bawat kumpanya. Ipinaliwanag nila ang iba’t ibang impormasyon tungkol sa kanilang kumpanya tulad ng proseso ng pag-hire nila ng mga bagong staffs, atbp. Ilan sa mga dinaluhan ko na seminar ay telecommunications company, Japanese toy making company, internet company, B2B marketing company, tire company, electronics company, etc. Pagkatapos ng isang seminar, may nakasalamuha akong mga kababayan natin dahil narinig kong may nagsasalita ng Tagalog kaya paglingon ko, binati ko sila. Sobrang galang nga ng mga iho at iha dahil sa kakagamit nila ng “po” habang nakikipag-usap sa akin. Feeling ko tuloy ang tanda ko na! hahaha! :D Nabanggit nila na nakapagtapos sila sa Mapua at nakikipagsapalaran dito upang makapaghanap ng trabaho. Sa tingin ko, makakahanap rin sila dahil in-demand ang IT programming dito.

Seryosong mode sa pakikinig sa seminar ng Sharp.
Seryosong mode sa pakikinig sa seminar ng Sharp.

Syempre kinailangan kong maghanda ng resume bago ako dumalo sa Job Fair. Alam niyo ba na sulat-kamay ang Japanese-style CV dito at hindi typewritten?! Kaya sumakit ang kamay ko sa pagsusulat ng 5 kopya ng resume ko gamit ang pre-printed form na galing sa aming unibersidad. I-click mo lang ang 「履歴書」upang makita ang isa sa mga J-style CV.

Kasama ang aking dalawang matatalik na mga kaibigan na Kastila na sila K-chan at D-kun. Ito ay habang naghihintay kami sa pagsisimula ng Job Fair.
Kasama ang aking dalawang matatalik na mga kaibigan na Kastila na sila K-chan at D-kun. Ito ay habang naghihintay kami sa pagsisimula ng Job Fair. Sana ay maging maswerte kami dito!

Nabanggit ko sa aking nakaraang artikulo na pinamagatang “Mock Interview” na kinakailangan ng simulang asikasuhin ng mga estudyante na nasa pangatlong taon ang paghahanap ng trabaho. Grabe sobrang aga, di ba! Imagine, imbes na magconcentrate ka lang muna sa mga aktibidad sa eskwela, kinakailangan ng umattend sa 12 na beses na Job Hunting Seminars sa unibersidad na pinangangasiwaan ng mga Career Guidance Counselors simula ng buwan ng Hunyo hanggang buwan ng Pebrero.  Usually, ang tagal ng proseso ng pag-aaply ng trabaho ay 5 buwan hanggang 1 taon. Nagsisimula sa pre-entry sa website ng kumpanya, susunod ay pag-attend sa seminar sa mismong opisina ng ina-aaplyan na kumpanya, pagsubmit ng entry sheet o kaya ay CV, kapag may feedback – may 2-3 beses na interview (individual o by group – depende sa kumpanya), pagkatapos ay malalaman na ang desisyon kung tatanggapin ka nila o hindi. Ang mga expected na magtatapos ng kolehiyo (kagaya ko) sa buwan ng Marso 2010, magsisimula ang trabaho sa buwan ng Abril.

Nuong nakaraang Sabado, ika-20 ng Disyembre ay sumali ako kasama ang 24 na estudyanteng Hapon at ilan sa mga International Students na schoolmates ko sa “Business Manner Seminar” na ginanap pa rin sa aming unibersidad pero ito ay hindi libre. 1000 yen o 500 pesos ang bayad para sa seminar na ito. Worth it naman kase maraming mga pointers ang itinuro sa amin tulad ng tamang paggreet, pag-bow, gayundin ang pagtanggal ng coat bago pumasok sa loob ng building ng kumpanya na aaplyan, paglalagay ng tamang pwesto ng bag habang nasa loob ng seminar room o kaya sa interview room, etc. Hay, masyadong metikuloso ang mga Hapon pero magandang training ito para sa aking nalalapit na pag-aaply ng trabaho.

h1

Ang Pagbubunong Sumo

Nobyembre 18, 2008

Kilala ang bansang Hapon sa isa sa kanilang palakasan na tinatawag na pagbubunong Sumo. Hindi lamang ito ang pinakamodernong klase ng martial arts kundi ito ay katangi-tangi at napakarituwal. Ito ay heavily centered na napapalibot sa relihiyon ng Shinto.

Kauna-unahang beses na nakapanuod ako ng pagbubunong Sumo na aktwal na paligsahan sa Ryogoku Kokugikan (Ang Bulwagan ng Sumo o The Sumo Hall) sa Tokyo noong ika-22 ng Mayo 2008 kasama ang aking mga kaibigan. Mas magandang manuod sa mismong lugar ng pagtatanghal dahil mararamdaman mo ang excitement kesa sa telebisyon.

Ryogoku Kokugikan
nakasulat ang mga pangalan ng mga Sumo players sa mga bandilang ito
dsc07806
mga nagsasanay na manlalaro ng Jonokuchi – Ito ay pinakamababang dibisyon sa Sumo

Ang Chanko-Nabe
Syempre hindi namin pinalagpas na hindi makakain ng Chanko-Nabe – Ito ang kinakain ng mga Sumo wrestler para lalo silang tumaba.
Makuuchi West
Ang seremonya ng pagpasok sa ring ng Makuuchi (sa loob ng kurtina) – Ito ay ang pinakamataas na dibisyon ng mga propesyonal sa pagbubunong Sumo

Ang seremonya ng pagpasok sa ring ng Yokozuna - pinakamataas na ranko sa Sumo
Ang seremonya ng pagpasok sa ring ng Yokozuna – Ito ay ang pinakamataas na ranggo sa Sumo

grupo

Mula sa kaliwa papuntang kanan: Iba’t ibang nasyonalidad tulad ng Ehipsyo, Espanyol, Hapon, ako at Amerikana. May napansin ba kayo? Kasama ko ang tatlong banyagang bansa na dating sumakop sa ating Inang Bayan – Espanya, Hapon at Estados Unidos maliban nga lamang sa Ehipto. Nagka-isa kaming nanuod ng Pagbubunong Sumo dito sa bansang Hapon. he! he! he! :D

Ang paglalaban nila Kotooshu at Hakuho
Ang paglalaban nila Kotooshu at Hakuho

Ang paborito kong manlalaro ay si Kotooshu, na taga-Bulgaria, na sa kasalukuyang ranggo niya ay Ozeki (Kampeon). Hindi lang siya magaling  makipagligsahan kundi gwapo pa! Siya ay tinaguriang “David Beckham ng Sumo” at “Prinsipe ng Sumo”. ;) Siya ang nanalo sa pakikipaglaban niya kay Hakuho, na taga-Monggolya na sa kasalukuyang ranggo ay Yokozuna, noong araw na nanuod kami nito. Sana galingan mo pa lalo Kotooshu para maging Yokozuna ka naman balang araw.

h1

Oktubre Festi

Oktubre 20, 2008

Ipinagdiwang namin ang kaarawan ng isa sa aking mga kaibigan na taga-Rusya noong  nakaraang  gabi ng Sabado. Simple lang ang selebrasyon, bumili lang kami ng chichiria at soft drinks sa  convenience store bago kami pumasok sa isang karaoke bar sa lugar ng Takao, Hachioji.

ang bday boy na taga-Rusya, ang inyong lingkod, taga-Espanya at taga-Ehipto)
(mula kaliwa hanggang kanan: ang bday boy na taga-Rusya, ang inyong lingkod, taga-Espanya at taga-Ehipto)

Sumunod na araw, pumunta kami sa festival sa Takudai-kampus ng Hachioji. Iba’t-ibang mga uri ng pagkain o ulam na galing sa iba’t ibang bansa tulad ng lutong Hapon, lutong Espanyol, lutong Malaysia, lutong Ehipto, lutong Indonesia, lutong Italyano, lutong Mehiko, lutong Tsino, lutong Pilipino, atbp.

lutong Pinoy
lutong Pinoy – turon at banana shake

Opo, mga kaibigan, meron lutong Pilipino dahil may organisasyon para sa mahihilig mag-aral sa wikang Filipino dito sa Takudai under sa Faculty of International Development. Halos lahat ng mga miyembrong Hapon at Haponesa rito ay nakapunta na sa ating bansa upang maging exchange student sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.

Kasama namin sina Pink Heart at Yellow Star.

h1

Ang Lampara

Oktubre 16, 2008
Ang lampara
Ang lampara

Nagkita kami ng aking kaibigan na si Karla sa Burger King kanina, pagkatapos ng isang buwan namin na hindi pagkikita dahil busy-bisihan sa pag-aaral, part-time job at pati na rin buhay pag-ibig. hehehe! Nang umuwi siya sa bansang Espanya nuong nakaraan na taon, meron siyang ipinahiram sa akin na lampara na gawa sa papel de hapon at siya mismo ang gumawa nito nuong nagfield trip sila sa lugar na tinatawag na Yamanashi malapit dito sa Tokyo. Ngayong bumalik na siya rito ay nagdesisyon ako na isauli na sa kanya ito para may magamit naman siya sa kanyang kuwarto. Tuwang-tuwa siya ng makita niya muli ito.

Sundae time at BK
Sundae time at BK

Siyempre hindi makukumpleto ang chikahan kung walang sundae na panghimagas.

h1

Mock Interview

Oktubre 11, 2008
Ang libro na ito ay tungkol sa Job Interview Entry Sheet Guidelines

Ang libro na ito ay tungkol sa Job Interview Entry Sheet Guidelines

Ang napili kong kunin na seminar sa taong ito ay “International Business Communication”. Kami ay 15 na estudyante na kumukuha nito – 4 na banyagang estudyante at 11 na estudyanteng Hapon. Sobrang pressured nga ako kase mahilig yung propesor namin sa research at presentation. Halos gusto ko na magquit nun pero na-realize ko na maganda na rin ito na training para sa akin at para lalo ko ma-improve ang Japanese language skill ko. Kahit super stress ako, nakakasurvive naman.

Isa sa mga naging aktibidad namin kahapon ay ang mock interview. Nakipag-ugnay ang aming propesor sa isa sa mga Career Counselors ng Placement Office ng aming campus na bigyan kami nito upang  mabigyan kami ng payo kung ano ang nararapat namin na iimprove sa aming sarili kapag nagsimula na kami magjob-hunting sa susunod na taon. Hinati kami sa dalawang grupo, walo kami na ininterview kahapon at ang natitirang pito ay gaganapin sa katapusan ng buwan na ito. Buti na lang at nasama ako sa unang batch dahil natapos na rin ang sobrang pagkanerbyos ko.

Sobra ang nerbyos ko nung mga oras na ito

Sobra ang nerbyos ko nung mga oras na ito

Nagtataka siguro kayo kung bakit may mock interview kami sa seminar namin. Dahil ang mga estudyante na nasa pang-3 taon na sa kolehiyo ay kinakailangan ng magsimula sa paghahanda para sa paghahanap ng trabaho upang pagdating ng pang-apat na taon at hanggang sa makapagtapos sa kolehiyo ay kinakailangan ng makahanap ng trabaho. Gosh, ganun ka-pressured ang pamumuhay dito. Naalala ko tuloy ang buhay sa Pinas, pagkatapos ko sa kolehiyo sa Benilde, hindi muna ako naghanap ng trabaho ng halos mahigit 1 taon. Kumbaga, isa akong “bum” nuon. Pero hanggang sa dumating ang araw na nagdesisyon ako na tapusin na ang pagiging “bum” ko at kelangan ng magsumikap na maghanap ng trabaho. Hanggang sa nakahanap nga ng trabaho at nakapagtagal din ako ng mahigit 2 taon. Pero dito, hindi ko na pwedeng gawin yun dahil hindi uso rito ang pabandying bandying. Hay, nakakamiss ang buhay sa Pinas!

Unang grupo para sa mock interview kasama ang officer ng Placement Office

Unang grupo para sa mock interview kasama ang aming Career Counselor