
Ang Pagbubunong Sumo
Nobyembre 18, 2008Kilala ang bansang Hapon sa isa sa kanilang palakasan na tinatawag na pagbubunong Sumo. Hindi lamang ito ang pinakamodernong klase ng martial arts kundi ito ay katangi-tangi at napakarituwal. Ito ay heavily centered na napapalibot sa relihiyon ng Shinto.
Kauna-unahang beses na nakapanuod ako ng pagbubunong Sumo na aktwal na paligsahan sa Ryogoku Kokugikan (Ang Bulwagan ng Sumo o The Sumo Hall) sa Tokyo noong ika-22 ng Mayo 2008 kasama ang aking mga kaibigan. Mas magandang manuod sa mismong lugar ng pagtatanghal dahil mararamdaman mo ang excitement kesa sa telebisyon.

- nakasulat ang mga pangalan ng mga Sumo players sa mga bandilang ito

- mga nagsasanay na manlalaro ng Jonokuchi – Ito ay pinakamababang dibisyon sa Sumo

- Ang seremonya ng pagpasok sa ring ng Makuuchi (sa loob ng kurtina) – Ito ay ang pinakamataas na dibisyon ng mga propesyonal sa pagbubunong Sumo

- Ang seremonya ng pagpasok sa ring ng Yokozuna – Ito ay ang pinakamataas na ranggo sa Sumo
Mula sa kaliwa papuntang kanan: Iba’t ibang nasyonalidad tulad ng Ehipsyo, Espanyol, Hapon, ako at Amerikana. May napansin ba kayo? Kasama ko ang tatlong banyagang bansa na dating sumakop sa ating Inang Bayan – Espanya, Hapon at Estados Unidos maliban nga lamang sa Ehipto. Nagka-isa kaming nanuod ng Pagbubunong Sumo dito sa bansang Hapon. he! he! he!

- Ang paglalaban nila Kotooshu at Hakuho
Ang paborito kong manlalaro ay si Kotooshu, na taga-Bulgaria, na sa kasalukuyang ranggo niya ay Ozeki (Kampeon). Hindi lang siya magaling makipagligsahan kundi gwapo pa! Siya ay tinaguriang “David Beckham ng Sumo” at “Prinsipe ng Sumo”.
Siya ang nanalo sa pakikipaglaban niya kay Hakuho, na taga-Monggolya na sa kasalukuyang ranggo ay Yokozuna, noong araw na nanuod kami nito. Sana galingan mo pa lalo Kotooshu para maging Yokozuna ka naman balang araw.




Bakit walang kang retrato ng pinakabagong Yokozuna? At hindi mo ibinalita kung sino-sino ang nanalo. Anyway, ang ganda ang inilahad mo.
Pakibalitaan naman ako kung ano ang pinakabagong trend diyan sa Japan ukol sa tula at panitikan. Uso pa ba diyan ang haibun?
Sa aking pagkaka-alam, ang bagong Yokozuna ay si Hakuho. Nasa itaas ang kanyang retrato. Pero kung ang tinutukoy niyo ay si Asashoryu, pasensya na po kung hindi ko siya nailagay dito. Mejo dinagdagan ko po ng konting impormasyon tungkol sa kung sino ang nanalo sa pagitan nila Kotooshu at Hakuho pero sa mga ibang manlalaro ng Sumo ay hindi ko na po matandaan.
Tungkol sa pinakabagong trend ukol sa tula at panitikan, ita-try ko na magsaliksik sa mga bagay na ito sa susunod. Hindi kase ito tinatalakay sa aming paaralan kaya hindi po ako updated.
mapalad ka`t aktwal kang nakapanood nyan.isa yan sa pinangarap ko nun ako`y napunta dyan kaso alang pagkakataon,isang bahagi ng paglangoy sa kulturang hapon.
daan ka minsan sa aking blog.emanzky88.wordpress.com
(kwentulang marino)di pa nga lang makinis,newbies pa lang ako.
ei mare!!!! what`s up, coconut?
hanep, swerte mo naman kase nakapanuod ka ng aktwal na SUMO! kapag nakapunta ako jan balang araw, itour mo naman ako! libre kita, peksman! hehehe