Imbak para sa Kategoriyang ‘TomoKai’

h1

Ang Pagbubunong Sumo

Nobyembre 18, 2008

Kilala ang bansang Hapon sa isa sa kanilang palakasan na tinatawag na pagbubunong Sumo. Hindi lamang ito ang pinakamodernong klase ng martial arts kundi ito ay katangi-tangi at napakarituwal. Ito ay heavily centered na napapalibot sa relihiyon ng Shinto.

Kauna-unahang beses na nakapanuod ako ng pagbubunong Sumo na aktwal na paligsahan sa Ryogoku Kokugikan (Ang Bulwagan ng Sumo o The Sumo Hall) sa Tokyo noong ika-22 ng Mayo 2008 kasama ang aking mga kaibigan. Mas magandang manuod sa mismong lugar ng pagtatanghal dahil mararamdaman mo ang excitement kesa sa telebisyon.

Ryogoku Kokugikan
nakasulat ang mga pangalan ng mga Sumo players sa mga bandilang ito
dsc07806
mga nagsasanay na manlalaro ng Jonokuchi – Ito ay pinakamababang dibisyon sa Sumo

Ang Chanko-Nabe
Syempre hindi namin pinalagpas na hindi makakain ng Chanko-Nabe – Ito ang kinakain ng mga Sumo wrestler para lalo silang tumaba.
Makuuchi West
Ang seremonya ng pagpasok sa ring ng Makuuchi (sa loob ng kurtina) – Ito ay ang pinakamataas na dibisyon ng mga propesyonal sa pagbubunong Sumo

Ang seremonya ng pagpasok sa ring ng Yokozuna - pinakamataas na ranko sa Sumo
Ang seremonya ng pagpasok sa ring ng Yokozuna – Ito ay ang pinakamataas na ranggo sa Sumo

grupo

Mula sa kaliwa papuntang kanan: Iba’t ibang nasyonalidad tulad ng Ehipsyo, Espanyol, Hapon, ako at Amerikana. May napansin ba kayo? Kasama ko ang tatlong banyagang bansa na dating sumakop sa ating Inang Bayan – Espanya, Hapon at Estados Unidos maliban nga lamang sa Ehipto. Nagka-isa kaming nanuod ng Pagbubunong Sumo dito sa bansang Hapon. he! he! he! :D

Ang paglalaban nila Kotooshu at Hakuho
Ang paglalaban nila Kotooshu at Hakuho

Ang paborito kong manlalaro ay si Kotooshu, na taga-Bulgaria, na sa kasalukuyang ranggo niya ay Ozeki (Kampeon). Hindi lang siya magaling  makipagligsahan kundi gwapo pa! Siya ay tinaguriang “David Beckham ng Sumo” at “Prinsipe ng Sumo”. ;) Siya ang nanalo sa pakikipaglaban niya kay Hakuho, na taga-Monggolya na sa kasalukuyang ranggo ay Yokozuna, noong araw na nanuod kami nito. Sana galingan mo pa lalo Kotooshu para maging Yokozuna ka naman balang araw.

h1

Oktubre Festi

Oktubre 20, 2008

Ipinagdiwang namin ang kaarawan ng isa sa aking mga kaibigan na taga-Rusya noong  nakaraang  gabi ng Sabado. Simple lang ang selebrasyon, bumili lang kami ng chichiria at soft drinks sa  convenience store bago kami pumasok sa isang karaoke bar sa lugar ng Takao, Hachioji.

ang bday boy na taga-Rusya, ang inyong lingkod, taga-Espanya at taga-Ehipto)
(mula kaliwa hanggang kanan: ang bday boy na taga-Rusya, ang inyong lingkod, taga-Espanya at taga-Ehipto)

Sumunod na araw, pumunta kami sa festival sa Takudai-kampus ng Hachioji. Iba’t-ibang mga uri ng pagkain o ulam na galing sa iba’t ibang bansa tulad ng lutong Hapon, lutong Espanyol, lutong Malaysia, lutong Ehipto, lutong Indonesia, lutong Italyano, lutong Mehiko, lutong Tsino, lutong Pilipino, atbp.

lutong Pinoy
lutong Pinoy – turon at banana shake

Opo, mga kaibigan, meron lutong Pilipino dahil may organisasyon para sa mahihilig mag-aral sa wikang Filipino dito sa Takudai under sa Faculty of International Development. Halos lahat ng mga miyembrong Hapon at Haponesa rito ay nakapunta na sa ating bansa upang maging exchange student sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.

Kasama namin sina Pink Heart at Yellow Star.

h1

Ang Lampara

Oktubre 16, 2008
Ang lampara
Ang lampara

Nagkita kami ng aking kaibigan na si Karla sa Burger King kanina, pagkatapos ng isang buwan namin na hindi pagkikita dahil busy-bisihan sa pag-aaral, part-time job at pati na rin buhay pag-ibig. hehehe! Nang umuwi siya sa bansang Espanya nuong nakaraan na taon, meron siyang ipinahiram sa akin na lampara na gawa sa papel de hapon at siya mismo ang gumawa nito nuong nagfield trip sila sa lugar na tinatawag na Yamanashi malapit dito sa Tokyo. Ngayong bumalik na siya rito ay nagdesisyon ako na isauli na sa kanya ito para may magamit naman siya sa kanyang kuwarto. Tuwang-tuwa siya ng makita niya muli ito.

Sundae time at BK
Sundae time at BK

Siyempre hindi makukumpleto ang chikahan kung walang sundae na panghimagas.

h1

Kumusta Na?

Setyembre 13, 2008

Halos mga estranghero na estudyante ang mga kaibigan ko dito. Kakaunti pa lamang ang masasabi ko na kaibigan ko na lahing Hapon dahil mas madaling kaibiganin ang mga estranhero na estudyante dito kesa sa mga Hapon. Siguro dahil na rin sa marunong sila magsalita ng wikang Ingles kaya mas madali ang pakikipag-usap sa mga estranhero na kaibigan ko. Pero hindi naman ako nag-aalala na kakaunti pa lamang ang mga kaibigan ko na Hapon dahil kuntento naman ako sa kalagayan ko ngayon. Sa ngayon, ang mga maituturing ko na mga estranherong kaibigan ko ay galing sa mga bansang Amerika, Espanya, Ehipto, Hapon, Korea del Sur, Rusyo, Taiwan, Malaysia, Tsina.

Meron ako naging matalik na kaibigan na galing sa bansang Espanya. Tawagin ko na lang siya sa code name na KKK. Naging exchange student siya sa Takudai (shortcut ng unibersidad ng Takushoku) simula nuong 2006 ng Setyembre hanggang 2007 Agosto. Bumalik siya sa Espanya upang tapusin ang kanyang kurso sa unibersidad ng Salamanca. Hanggang sa nakapagtapos na rin siya sa taon na ito. Pero bago siya makapagtapos ay pinagbutihan niya na lakarin ang kanyang mga papeles para makabalik muli dito sa bansang Hapon dahil nagustuhan niya daw ang pamumuhay dito. Maswerte siya dahil nakapasa siya sa unibersidad ng Aoyama, isa sa mga magagandang kolehiyo ng Tokyo.

I remember the last word of K.K.K before the bus leaves for Narita Airport last year. She told us “I’ll be back!” just like what was said in The Terminator. Mapapanuod niyo ito sa ginawa ko na video na ito.

Now, here she is.. back in Japan!

Moreover, KKK and D-kun (isa pa namin na kaibigan na Espanyol na magpapatuloy naman ang pagiging exchange student sa unibersidad ng Tsukuba sa taon din na ito pagkatapos niya nakumpleto ang programa na pang-exchange student sa Takudai nung nakaraan na buwan ng Hulyo) have reunited too after not seeing for almost or more than 2 years?! Very interesting! :)

I started thinking about the next chapter. Wondering what it will be.  :?